Add parallel Print Page Options

18 Ngunit (A) sulit na sulit ang natanggap ko ngayon at labis pa. Lubos akong nasisiyahan, ngayong natanggap ko mula kay Epafrodito ang mga ipinadala ninyo. Ang mga ito'y masarap na samyo at kaaya-ayang alay na nagbibigay-kasiyahan sa Diyos. 19 At pupunuan ng aking Diyos ang lahat ng inyong mga pangangailangan ayon sa kanyang maluwalhating kayamanan na matatagpuan kay Cristo Jesus. 20 Luwalhati sa ating Diyos at Ama magpakailanman! Amen.

Read full chapter